Top Newspapers
INSIDE THEPINOY
Showbiz News
ANC Showbiz
Celeb World
Chismis
Moviestars
PhilMusic
TeenStars
Gossip

thePinoy Coooking
Filipino cooking crosses the culinary lines of its early settlers, the Chinese and the Spanish. Filipinos combine meats, fish, chicken, and noodles in an amazing variety of stews and soups.

Feedback
Tell us what you think of thePinoy

Link up with thePinoy.com

Search
ThePinoy Search


  
This site is best viewed with browsers of version 5 or higher.



Koyang's Korner
Gud Morning! Gud Morning! at Iba Pang Tula

- - - - - - - - - - - -
Ni Jess Santiago

Magandang umaga! Gud morning! Gud morning.
Pupungas-pungas ma't parang isang lasing
Hayaang magpugay itong bagong gising
Na nakikiangkas sa inyong pag-surfing.

Kayong ang almusal ay Archipelago
Sana'y magustuhan ang bagong rekado
Ang Koyang's Korner po ay putaheng berso
Marami ang sahog, timpladong-timplado.

Ngayo'y nagpupugay kusinerong pulpol
Dito'y igigisa ang lahat ng bopol
Ating tutustahin ang hambog na tradpol
Ang mga kapalmuks ating ililitson.

Koyang po ang tawag sa aba n'yong lingkod
Kalikot ang bansag sapagkat malikot
Ubod po ng kulit at hari ng harot
Lahat ng usapin ay kinakalikot.

Pero kangkarot ma'y marunong maglambing
Mambebersong handang kayo'y haranahin
Kami'y natutuwang kayo'y makajamming
Sa kumpas at kampay ng kulturang atin

Bilang pasakalye, bilang introduksyon
Ipagtatapat po ang misyon ng kolum:
Banatan ang lahat ng mga delusyon
Purihin ang dapat sa lipunang Pinoy

Pamumuna itong punang kaibigan
'Ika nga ni Gab™ "walang personalan"
Trabaho lang ito, isang hanapbuhay
Kaya "careful-careful" sabi nga ni Inday

Batubato sa sky, tamaan ng stone
Sadyang ginagalit, sadyang pinipikon
Tamaan ng bala ng aming tirador
Matauhan sana sa magiging bukol

Ang mabubukulan ay pwedeng rumesbak
Sa kolum ding ito punto'y ilalatag
Hiling lang ay ito: magtugma't magsukat
Para laban'y square, parehas at patas.

Centennial ExposŽ

Noong ikaanim ng nagdaang Hunyo, sa wakas, binuksan
Ang Centennial Expo. Kayraming dumalong pinuno ng
bayan.
Naroon ang lahat: mga gobernador, senador, konggresman,
Pati embahador ng kayraming bansa ay nakipagdiwang.

Siyempre pa'y naroon ang dating Pangulo't ang Unang
Pamilya
Tanghala'y nagsikip sa nagsipagtanghal na mga artista
Kayhaba't kayganda ng naging programa ng sayaw at kanta
Mga talumpati na pawang papuri sa isa at isa.

Pawang naka-Barong, pawang nakaterno ang mga dumalo
'Ika nga'y para kang nanood ng isang engrandeng
fashion-show.
Matitikas lahat, pawang nakangiti at taas ang noo.
(Hibang, sinungaling, sinumang magsabing naghihirap
tayo.)

Sa labas, sa langit, ang mga bitui'y may kirot ang
ningning
Sa pagkindat-kindat sa kayraming ilaw doon sa Freedom
Ring.
Pagkat ang totoo, ang kanilang kindat ay isang
pasaring.
Parang sinasabing tanglawan din ninyo yaong nasa dilim.

Sapagkat sa dilim, sa likod ng rangya na namamayagpag
Daming estruktura na hindi natapos. Hindi dahil salat
Sa pondo o tao kundi mga tao'y walang inatupag
Kundi kurakutin ang pondong nilaan sa expo site sa
Clark.

(Sa totoo lang 'pre, daming balikbayan ang biglang
umuwi
Upang makisalo sa makasaysayang okasyon ng lahi
Umasang sa Expo, ang iba pang theme park wala't
maning-mani
Pero ang dinatnan, sa kanilang galak ay biglang pumawi.

Dinatnan ay ilog na wala pang tubig-siyempre'y walang
isda
Wala pang bermuda, carabao, o blue grass ang umbok ng
lupa
Nakahambalang pa mga punong earthballed, at hindi pa
handa
Ang pagtatanghalan ng mga produkto nitong ating bansa.)

Ginawang programa n'ong Hunyo a-sais, soft opening
lang daw,
'Sa a-bente siyete, tiyak, tapos lahat. Pormal na
bubuksan
Ang Centennial Expo-Bantayog ng Isang Siglong Kalayaan.
We'll make our country proud, world-class exposition
na ikararangal!"

Sa dinami-dami ng pagpapaliban ng takdang opening ng
Centennial Expo
Sa wakas, natuloy n'ong abente-siyete ng buwan ng Hunyo
Pero ano ito? Ano't nang buksan na'y maraming di
tapos at wala sa pwesto!
Ganyan ba ang world-class? Baka naman kayo'y taga
ibang mundo?

Anong world-class,world-class? World-class
pandurugas? World-class pandedenggoy?
Ilang opening na ang inyong plinano na hindi natuloy?
Hindi ba't noon pang dumalaw ang reyna't haring
kastilaloy
Dapat n'yong natapos ang bonggang eksibit (na puro
burloloy)?

Alahoy, alahoy! Mga hinayupak na in-charge sa Expo:
Di ba't ilang taon na pinaghandaan ang inyong proyekto?
Di ba't bilyon-bilyon ang apropriyasyon para gawing
pondo?

Ano't di natapos sa tinakdang oras ang expo ng siglo?

Bakit keteponi, ba't walang binatbat, ba't third world quality?
Puro drowing lang ba ang international promo't publicity?
akbo ng trabaho't pondo'y subaybayan, bantayang mabuti
Kung hindi ay baka hindi pa rin tapos hanggang next century!

Ang Ampaw na Dike't Ampaw na Opisyal

Heto na ang ulan, heto na ang baha
Kaya kailangang lahat ay maghanda
Pakinggan at sundin ang mga babala
Nang hindi abutin ng grabeng sakuna.

Unang dapat dinggin ay ang sinasabi
Ng isang eksperto sa lahar at dike
Ayon sa Observer ng Angeles City
Dapat daw pakinggan si Kelving mabuti.

Ayon kay Rodolfo, ang expert sa lahar,
Multibilyong-pisong dike ay mabuway
Sapagkat buhaghag gamit na materyal.
"Sisenta porsyento ng dike ay ampaw."

FVR Megadike sa Pasig-Potrero
Ay gawa sa lahar at walang semento
Kaya tumatagas sa ilalim nito
Ang tubig na sanhi ng erosyon rito.

Ayon sa Public Works, ulan daw ang rason
Pero si Rodolfo'y ayaw sumang-ayon
Napatunayan niya sa huling inspeksiyon
Kahit walang ulan, tuloy ang erosyon.

Lahar ay buhangin at batong malab—
Butas-butas ito kahit siksikin mo
Kaya dapat merong baluting kongkreto
Pati sa ilalim nang tumibay ito.

"Walang concrete armor, dikeng kontra-lahar
Kaya kahit bago'y singhungkag ng ampaw
Para kang nagdikeng gawa sa asukal
Tiyak malulusaw sa tubig o ulan.!"

Heto na ang bagyo, heto na ang baha
Narito na naman ang mga sakuna
Ampaw na opisyal na namamahala
Sa Mt. Pinatubo, pulbusin nang bigla!



Si Jess Santiago ay isang makata, kompositor at mang-aawit. Nakatanggap siya ng mga premyo mula sa Palanca at Cultural Center of the Philippines literary contests. Dalawang ulit siyang tinanghal na "Makata ng Taon" ng Surian (ngayo'y Komisyon) ng Wikang Pambansa. Nakapaglabas na siya ng dalawang koleksiyon ng mga awit at isang aklat ng mga tula.

free@thepinoy.com
ASX100STIHang SengJASDAQNIK 225PSE 100NASDAQDJIA


Look up
a stock quote
(Enter symbol)

  Get quote!


Search | the internet | Live Broadcast.| Contact Us

Copyright © 2000 thePinoy.com
About thePinoy.com |
Partners | Contact Us | Advertising information
Investor Relations | User Agreement