Search

Search the Web
Search ThePinoy


Newspapers
Abante
ABS-CBN
Business World
Daily Inquirer
Philippine Star
Pilipino Star Ngayon
Manila Bulletin
Manila Times
More...

Breaking News
Local
World
Business
Entertainment
Sports

Inside ThePinoy
Live Broadcasts
Communities
Web Guide
RP Gov't Guide
Newspapers
Contact Us

ShowBiz News
ANC Showbiz
Celeb World
Chismis
Moviestars
PhilMusic
TeenStars
Gossip

Peso-$ Rate
    Web Guide
  Useful Sites
    Pinoy Coooking

Inside Yahoo!
RP Market News
RP Daily News

 

Feedback
Tell us what you think of thePinoy

Link up with thePinoy.com

 

Archipelago MagazineTanikalang Lagot Web DramaFilipino Links

You need Quicktime to listen


Kasaysayang Patotoo ni
Bro. Ramy Liman ng
Marilao, Bulacan

Ganoon pala kapag iyong nadama ang kabutihan ng Panginoon sa iyong buhay. Para kang musmos na mapaluluha. Naunawaan
ko na tunay ngang mabuti ang mga gawa ng Panginoon. Wala ni isa man sa aking mapapait na karanasan ang mabibilang kong hinarap kong mag-isa. Lagi kong nakasama ang matinding kabutihan ng Panginoon. Narito ang ilang piling yugto ng aking buhay, sana'y magsilbing isang malaking inspirasyon sa lahat.

Ginampanan ni: Ronie Miranda
Sound: Bernie Bascao
Music: Rolando Monjes Rosales
Technical Supervisor: Geronimo Penalosa
Written by: Geronimo Penaloza
Directed by: Joe Placiego


Kasaysayang patotoo ni
Mrs. Zena Espiritu
Tabing-ilog Marilao Bulacan

Nang ako ay maoperahan sa aking uterus at nang magkaroon ito ng masamang epekto sa aking katawan, naunawaan ko na ang kalusugan at buhay pala'y talagang pansamantala lang. Tinaningan ako ng aking duktor ng mga lima hanggang sampung taon na lamang. Marami raw kumplikasyon na nangyari matapos ang operasyon. Tunay na malaking pagsubok, ngunit kung papaano
ko napagtagumpayan ang yugtong ito, hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang kabutihan ng ating Panginoon.

Ginampanan ni: Rose Lumandong
Sound: RMJP sounds
Music: Rolando Monjes Rosales
Technical Supervisor: Geronimo Penalosa
Written by: Geronimo Penaloza
Directed by: Joe Placiego


Kasaysayang Patotoo ni
Reggi Maranan ng Heritage Home,
Marilao Bulacan

Ang pagkasunog ng aking kotse ang wakas ng aking kahibangan. Kung hindi ito nangyari, marahil ito pa rin ang bumibihag ng aking atensyon. Car lover po ako, at ito ang naging sanhi ng maraming pagsubok sa aking buhay at pamilya. Minsan masasabi ko pa na mas minahal ko noon ang aking kotse kaysa aking asawa. Mabuti na lamang at napagtanto ko, sa tulong ng Mabuting Balita ng Panginoon, na ang mga materyal na bagay ay pansamantala lamang ang halaga. Mas mahalaga ang Panginoon, ang buhay, at ang iyong
mga minamahal sa buhay.

Ginampanan ni: Ronie Miranda
Sound: Bernie Bascao
Music: Rolando Monjes Rosales
Technical Supervisor: Geronimo Penalosa
Written by: Geronimo Penaloza
Directed by: Joe Placiego


Kasaysayang Patotoo ni Rey Pacheco
Mapulang Lupa, Valenzuela City

Hayaan po ninyong isalaysay ko ang isang yugto ng aking buhay. Alam po ninyo, napakarami ko pong bisyo sa katawan. Pagkat ang pagkakaalam ko noon ay dito po umiikot ang kasiyahan sa buhay tao. Mabuti na lamang at nagkaroon pa ako ng pagkakataon na makarinig at makatanggap ng Salita ng Panginoon. Para akong nahimasmasan, nakakagaan pala ng pakiramdam higit
sa mga natutunan kong bisyo sa katawan. Salamat
sa Dios at tuluyan ko na ngang tinalikuran ang nakapipinsalang bisyo ng alak, sugal, at babae.

Ginampanan ni: Ronie Miranda
Sound: Bernie Bascao
Music: Rolando Monjes Rosales
Technical Supervisor: Geronimo Penalosa
Written by: Geronimo Penaloza
Directed by: Joe Placiego


Kasaysayng Patotoo ni
Eduardo dela Cruz

Pagtitiwala lamang sa Dios ang aking pinanghawakan sa anumang pagsubok na dumaan sa aking buhay. Kung ako lang po sa sarili ko, hinding-hindi ko kayang mairaos ang kahit na isang pagsubok. Mabuti na lamang at laging handang tumulong and Dios sa tulad kong mahina sa pagsubok. Ang makasama ang Panginoon sa lahat ng bagay ay isang malaking tagumpay!

Ginampanan ni: Ronie Miranda
Sound: Bernie Bascao
Music: Rolando Monjes Rosales
Technical Supervisor: Geronimo Penalosa
Written by: Geronimo Penaloza
Directed by: Joe Placiego


Kasyssayang Patotoo ni
Zeny Ocampo Jimenez
New Life Christian Center
Macabebe, Pampanga

Kung magbibigay ka sa Panginoon ng kahit ano, hindi ka talaga nawawalan. Nasubukan ko na ito at tutoong-totoo. Napansin kong laging naka-alalay ang pagpapala ng ating Panginoon sa aming buhay. Hayaan ninyong isalaysaya ko sa inyo ang katapatan ng Panginoon sa aming pamilya. Sa kalagitnaan ng pagsubok damang-dama namin ang biyaya ng Diyos sa aming buhay.

Ginampanan ni: Myrna Rosales Miranda
Sound: Bernie Bascao
Music: Rolando Monjes Rosales
Technical Supervisor: Geronimo Penalosa
Written by: Geronimo Penaloza
Direction: Myrna Rosales Miranda
Assistant Director: Joe Placiego


Kasaysayang Patotoo ni Jackie Santos
Florida Blanca, Pampanga

Ako po ay isang Aeta, mula sa bundok ng Florida Blanca, Pampanga. Namasukan ako bilang katulong, natutuwa ako at ako ay minahal din naman ng aking amo kahit na ibang-iba ang aking hitsura sa kanila. Wala pong pagsidlan ang kagalakang aking nadama lalo na nang ibalita ng amo ko sa akin ang Mabuting Balita ng Panginoon. Napakabait pala ng Panginoon, nabatid ko na kahit ako ay isang Baluga ay mahal din Niya ako tulad ng mga taong nasa kapatagan.

Sound: Bernie Bascao
Music: Rolando Monjes Rosales
Technical Supervisor: Geronimo Penalosa
Written by: Geronimo Penaloza
Direction: Myrna Rosales Miranda
Assistant Director: Joe Placiego


Kasaysayang Patotoo ni
Pastor Joselito Apoya
International Needs Philippines

Tubong Masbate ako at sa gulang na labing-isang taon, natutunan ko ang mga ilegal na gawain. Mga kasong holdap, pagnanakaw, snatching; miyembro po ako ng akyat-bahay gang... kapit sa patalim ika-nga. Kung papaano po ako binago ng Panginoong Hesus, hayaan po ninyong isalaysay ko ang ilang piling yugto ng aking buhay. Ako po si Pastor Joselito Apoya.

Kasamang gumanap: Vilma Boromeo
Sound: Bernie Bascao
Music: Rolando Monjes Rosales
Technical Supervisor: Geronimo Penalosa
Written by: Geronimo Penaloza
Direction: Myrna Rosales Miranda
Assistant Director: Joe Placiego

   
   

Kasaysayang Patotoo ni:
Conchita Samaniego ng Paco, Manila

Click here to listen

Minsan ay nagaganap sa isang tao ang pangyayari na hindi inaasahan na maaaring ang hatid nito ay lungkot o saya.  Dumating sa aking buhay ang isang pangyayaring nagdala ng lubos na pagbabago.  Napatunayan kong anuman ang naisin ng Dios, ay siyang nagaganap.   Siya ang may hawak ng ating buhay at nakababatid ng nararapat para sa atin.

Ginampanan ni: Lina Anota
Sound: Bernie Bascao
Music: Rolando Monjes Rosales
Technical Supervisor: Gerry Penalosa
Written by: Nanay Pina A. Fortuna
Direction: Myrna Rosales Miranda
Assistant Director: Joe Placiego


Kasaysayang Patotoo ni:
Anastasio Dukang ng Kupay, Libertad, Antique

Click here to listen

Nais ko po mag-bahagi sa inyo kung papaano po ako kinatagpo ng Panginoong Hesus sa magulong buhay ko noong mga panahong napakahilig ko tumakbo sa politika, bilang kandidato sa isang lokal na pamahalaan, bilang isang municipal councilor sa aming lugar.  Nung una po'y hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako manalo-nalo sa halalan sa aming lugar.  Para maintindihan po ninyo ay hayaan ninyong isalaysay ko ang mga tagpong ito sa aking buhay.

Ginampanan ni: Lina Anota
Sound: Bernie Bascao
Music: Rolando Monjes Rosales
Technical Supervisor: Gerry Penalosa
Written by: Jerry Penalosa
Direction: Myrna Rosales Miranda
Assistant Director: Joe Placiego


Kasaysayang Patotoo ni:
Chita Lemos ng Ubando, Bulacan

Click here to listen

Mahal ko po si Arman, nagpakasal ako sa kaniya bagamat tutol sa kaniya ang aking mga magulang.  Sa simula naging maayos ang aming pagsasama, paminsan-minsan ay nakakasama ko siya sa aming mga gawain.  Tatlo na ang aming anak nang malaman ko ang kaniyang pagluloko.  Lagi ko siyang pinapatawad kaya lang lagi siyang bumabalik sa panloloko.  Kapwa mababaw ang aming mga pananampalataya bilang Kristiyano, at dito ko pasisimulan ang aking salaysay.

Guest Artist: Ricky Sanchez
Sound: Bernie Bascao
Music: Rolando Monjes Rosales
Technical Supervisor: Gerry Penalosa
Written by: Leonor M. Asistio
Direction: Myrna Rosales Miranda
Assistant Director: Joe Placiego


Kasaysayang Patotoo ni:
Pastor George Jimenez ng  Pampanga

Click here to listen

Purihin po ang Panginoong Hesus, dahil ni minsan ay hindi Niya ako inilagay sa kahihiyan kung ang paguusapan ay ang pananampalataya.  Maraming gawain akong pinamulan sa lugar ng Macabebe, Pampanga.  Hindi ko po pinanghinayangan na ang salita ng Dios ay ipangaral.   Hayaan n'yo pong isalaysay ko ang isang patotoo kung papaano kumilos ang Panginoon sa Kaniyang ministry.

Ginampanan ni: Lina Anota
Sound: Bernie Bascao
Music: Rolando Monjes Rosales
Technical Supervisor: Jerry Penalosa
Written by: Gerry Penalosa
Direction: Myrna Rosales Miranda
Assistant Director: Joe Placiego


Kasaysayang Patotoo ni:
Carolina Arceo ng Quezon City

Click here to listen

Lahat halos ng tao ay may dalawang uri ng buhay na ipinamumuhay dito sa mundo. Buhay kung paano tayo nakikibagay sa nakapaligid sa atin at pangalawa ay kung paano nating nahihipo ang buhay ng mga taong ating pinakikisamahan.

Madalas ay gumagawa ang tao ng kabutihan na ipinantatakip lamang sa mga kamaliang ginagawa.  Gaano man kahusay ang mga pagkkukunwari, ay nalalantad din ang katotohanan. Walang lihim na 'di nabubunyag.

Ginampanan ni: Lina Anota
Nakasamang gumanap: 
Ronnie Miranda, Romel Anota
Sound: Bernie Bascao
Music: Rolando Monjes Rosales
Technical Supervisor: Gerry Penalosa
Written by: Nanay Pina A. Fortuna
Direction: Myrna Rosales Miranda
Assistant Director: Joe Placiego


Kasaysayang Patotoo ni:
Roderick Naval ng Caloocan City

Click here to listen

Likas po sa tao ang pag-plaplano sa kaniyang hangarin sa buhay. May mga pangarap na kay daling abutin, meron din namang mahirap.  Nagplano po ako para sa aking buhay ngunit mas mainam pala kung ang Dios ang Siyang gagawa nito para sa atin.  Anuman ang Kaniyang kalooban ang mangyayari sa ating buhay.

Ginampanan ni: Lina Anota
Nakasamang gumanap: 
Ronnie Miranda, Romel Anota
Sound: Bernie Bascao
Music: Rolando Monjes Rosales
Technical Supervisor: Gerry Penalosa
Written by: Nanay Pina A. Fortuna
Direction: Myrna Rosales Miranda
Assistant Director: Joe Placiego


Kasaysayang Patotoo ni:
Ellen dela Pena ng Navotas City

Click here to listen

Ang ating panalangin ay pakpak ng ating kaluluwa na lumilipad sa kalangitan.
Sa pamamagitan nito'y makikita natin ang dakilang pagtugon ng  Panginoon.   Marami akong nakita na kapag nananalangin ay wala sa loob, parang litanyang paulit-ulit.  Narito ang aking karanasan patungkol sa aking bunsong si JunJun, ang kaniyang panalangin at ang biyaya ng Panginoon ay hinding-hindi ko malilimutan.

Ginampanan ni: Lina Anota
Nakasamang gumanap: 
Nanay Pina Fortuna, Ronnie Miranda,
at Romel Anota
Sound: Bernie Bascao
Music: Rolando Monjes Rosales
Technical Supervisor: Gerry Penalosa
Written by: Leonor M. Asistio
Direction: Myrna Rosales Miranda
Assistant Director: Joe Placiego


Kasaysayang Patotoo ni:
Gerry Montemayor ng Bulacan

Click here to listen

Ang buhay kabataan ko po ay magulo. Sumali ako sa fraternity nung nasa college pa ako at dito ko ibunuhos ang aking panahon.  Napapasabak ako lagi sa gulo, lalo na sa mga frat war! Mismong aking pag-aaral ay akin nang napabayaan.  Ngunit minsan ay nakilala ko po ang Panginoong Hesus, at dito nagsimula ang malaking pagbabago ng aking buhay.

Nakasamang gumanap: 
Lina Anota, Nanay Pina Fortuna
Ronnie Miranda, Romel Anota
Sound: Bernie Bascao
Music: Rolando Monjes Rosales
Technical Supervisor: Gerry Penalosa
Written by: Gerry Penalosa
Direction: Myrna Rosales Miranda
Assistant Director: Joe Placiego


Kasaysayang Patotoo ni:
Carolina Arceo
ng P. Tuazon, Quezon City

Ano ang mapapala ng tao kung makamtan man nya and buong sanlibutan kung ang katumbas naman nito ay ang kanayan buhay? Ano ang mapapala nya kung sya ay mapapahamak? Luke 9:25

Press PLAY to begin.

Ginampanan ni: Lina Anota
Sound: Bernie Bascao
Music: Ronnie Monjes Rosales
Technical Supervisor: Jerry Penalosa
Written by: Nanay Pina A. Fortuna
Direction: Myrna Rosales Miranda

Nakasamang Gumanap:
Ronnie Miranda, Rommel Anota

Email Feeback!

A ThePinoy SitePhilNurse.org

ASX100 STI Hang Seng JASDAQ NIK 225 PSE 100 NASDAQ DJIA
 


SPONSORS / LINKS

Get your
ThePinoy.com
Shirts, Mugs and
more here!












   

Banner 10000071

    Today's Headlines | Directory | About Us | Pinoy Communities | Web Guide | Live Broadcasts | Contact Us | Partners | Investor Relations | User Agreement
 


Copyright © 2002 ThePinoy.com. All rights reserved. Reproduction in whole or in part without permission is prohibited.